Thursday, March 3, 2016

Puso

Tama nga sila kapag may tao kang pinahalagahan at nakasama mo ng
kalahati ng buhay mo at lahat ng bagay na makapagpapasaya sa taong yun binigay mo pati
sarili mong kaligayahan masasabing nagmahal ka. Pero yung pagmamahal na yun
nawala at natuon sa iba, akala nya perfect na lahat, yung akala mong hindi na mawawala, yung future pinag uusapan na tapos
biglang sa isang iglap mawawala lahat.
Mga luhang nasayang at sakit ng puso na ikaw lang ang makakaramdam.
Dapat sa kalahati ng buhay mo na kasama sya dapat matagal kang mag move on/maka move on at
mahihirapan ka pero isang linggo lang na sumakit ang puso at
hindi makapaniwala na sa loob ng isang linggong pag-iyak at pag-iisip eh madali lang pala
syang makalimutan.Habang tumatagal onti-onting nawawala yung
sakit at lungkot na iniwan at mapapaisip ka na hindi nya worth it yung
pagmamahal na binigay mo sa kanya.
Hindi iniiyakan/pinag aaksayahan ng panahon ang mga taong walang
kwenta atwalang pag respeto sa karelasyon nila at lalong lalo na sa sarili nila.

May mga bagay na magiging thankful ka kay Lord na pinahintulutan nyang mangyari yung mga
bagaysa buhay mo para makita yung taong
mamahalin mo at mamahalin ka ng totoo at pang habang buhay.
Sobrang saya ng puso dahil sa isang kaibigan na pinapahalagahan mo
 at nakakabilib dahil sa tinagal-tagal ng panahon sila
 pala sa huli. :) Nakaka kilig isipin na yung taong pinapangarap nya eh
pareho pala sila ng nararamdaman sa isa't isa. Bakit mo pa patatagalin kung alam
mo naman na kayo at the end?!. Diba?! :)
Parang MMK lang ang peg ng love story nila, nakakatuwang isipin pero totoo.
Sobrang swerte nya sa taong yun :) Ramdam nya yung pagmamahal ng taong yun.
Sa 10 t o12 years na naging magkaibigan sila at ngayong sila na
maraming mga bagay na natutuklasan at dahil dun lalong nadadagdagan
yung pagmamahal nya. Laging sinasabi sa kanya na
"Ang swerte ko talaga sayo"
pero ang totoo eh pareho silang swerte sa isa't isa! :)




Monday, February 22, 2016

Noon pa lang mahal na kita

Hindi ko alam kung paano sisimulan, paano ko isusulat yung mga gusto kong sabihin
at nararamdaman. Kapag nakarinig ka ng salitang 
"Noon palang mahal na kita." diba ang sarap pakinggan at sumasaya yung puso mo
lalo na nanggaling yung mga salitang yun sa taong mahal mo.
Magaling talaga si God kasi ibibigay nya yung tamang timing para sa lahat ng bagay,
Maghintay ka lang at wag madaliin at paniguradong ibibigay nya yun.
Thankful ako kasi yung taong pinapangarap ko lang dati eh binigay sakin ni God. :)
Matuto ka lang maghintay, wag madaliin ang mga bagay at darating yun. ♥



Kanina nagisisng ako ng mga hating gabi, pero di ko tinignan yung relo ko dahil ayokong
madagdagan yung takot ko, pagbukas ng  mga mata ko natuon dun sa kurtina sa may
kusina at sa gilid nun,cr. Biglang sabi ko " Love!.." na nabigla. Medyo nagising si Jan, sabi nya
"uhm?" sabay sabi kong "wala" tapos nagtakip na lang ako ng kumot. Two times na
yun eh yung una pagtingin ko sa kusina parang may shadow and yung shape
nya pang lalake, nakakatakot kaya, yun buo kong nakita yung shadow sa gilid.
Tapos ito ngayon parang babae, eh pero kalahati lang. Naalala ko yung mga pinopost sa
facebook na " When you randomly wake up at 2 to 3 am there's an 80% chance
someone's staring at you" natakot kaya ako.
Eh kapag ako pa naman nakaramdama ng ganun totoo eh pero mabait naman kasi di nananakot.
Magugulat ka lang, pero ayokong isipin
na may something doon ayoko naman na takutin sarili ko tapos yung mga talon ng pusa sa labas
nagugulat agad ako or may nalaglag na bagay bigla na lang ako magtatakip
ng kumot at magdadasal. Ayun lang share ko lang. :)


Tuesday, December 1, 2015

Im Back!!! :)

Hi! everyone! :) First post ko ito for this year (2015!!!) Hahah!
Sobrang daming nangyari sa taong ito and sobrang thankful ako
na nangyari yung mga problemang akala mong hindi mangyayari sakin kasi
akala ko perfect na at for keeps na pero ang galing talaga ni Lord God kasi
nakita ko yung matagal ko na palang hinahanap at nasa tabi ko lang pala!
Hay! lahat talaga naka tadhana. :)
(sa next post hahabaan ko na pero for now maikli muna kasi ang SAYA KO!!! 
anong connect?! hahah)

Friday, February 7, 2014

RIP Tado Jimenez

Photo Taken January 10, 2012
Nakakalungkot kasi biglaan ang pagkawala ng isang kwela at mabait na customer ng
Video 48, Tado Jimenez.

Friday, January 17, 2014

Neil and Tegan's Wedding

Itong wedding na'to ang pinakamasaya at hindi masyadong nakakapagod.
Relaks lang as in! :)))

Tegan the Lovely Bride :)
View from the 3rd lobby
Events and Beyond's coordinator

nabusog ako ng sobra ditoooo!!!!