Tuesday, June 23, 2009

Dampa @ Timog




hay! pag sabado nagpupunta kaming tatlo dito para mag relax ^^ pero hindi naman lahat ng sabado. Hindi nga namin alam saan galing pera namin, bigla na lang kaming magkakaron. nakakatuwa nga eh!. share-share sa lahat.
pag andito kami, ang tahimik namin. kahit kaming tatlo lang ang magkakasama daig pa namin ang sampu sa mga magkakaibigan. masaya ang bondingan namin...
masaya na kami na kami lang ang magkakasama.
tapos isang beses at hindi na naulit at hinding-hindi na talaga mauulit kasi yung pera naming tatlo sakto lang sa i-o-order namin at sa taxi.
nagkamali  ng tingin sa presyo kaming tatlo,eh di order pa, nung kukunin na namin yung bill, pagtingin OMG!!! KULANG yung PAMBAYAD namin (hahaha)
ngayon nag usap-usap kami kung anu gagawin namin kasi sakto talaga yung pera namin pambayad, sabi ni janjan at hazel iiwan nila yung cellphone nila, suggest ko naman na uuwi na lang ako at kukuha ng pera, yung nga ang ginawa namin.
yung dalawa naiwan, ang tagal ko din bago nakabalik, yung waiter daw nakatingin na sa kanilang dalawa at may nakatayo na sa likod nila... hahah baka kung tatakas sila mahahablot na sila agad kasi umalis ako at wala ng laman yung mesa at hindi na sila o-mo-order. nakahinga ng maluwag silang dalawa ng makita ako. ayun! nakabayad kami.
sobrang tawang-tawa talaga kaming tatlo, pag naiisip ko yun, napapatawa na lang ako mag isa.
ayun! sinama namin sila mama en papa kasi lagi na lang silang nasa bahay pagkatapos ng trabaho, kaya sila naman ang ka-bonding namin. ♥♥♥

Tuesday, June 16, 2009

Friends in the Present

jan2x rj (me) hazel


masaya ako na nagkaroon ako ng mga kaibigan tulad nila hazel, rj at jan2x. nung nakatira pa kami sa west triangle kami-kami lang magkakapatid ang naglalaro, meron din naman kaming mga kaibigan pero bilang lang talaga.

nung lumipat na kami ng bahay, ayun nakilala naming magkakapatid sila. 
pare-pareho silang masaya kasama, pero may kanya-kanya silang personality.

si rj kwela, hindi ka mabo-boring pag sya kasama mo. tawa ka ng tawa hahah ^__^
parang ngayon natatawa ako kahit hindi ko sya kasama kasi naiisip ko sya ^___^
pero takot sa nanay nya, pag tinawag, uuwi agad... pero handa kang ipagtanggol. doon mo sya maaasahan pero hindi sya mahilig sa gulo.

si jan2x naman tahimik, hindi mo alam ang nasa isip kung hindi mo pa sya tatanungin. magaling magtago ng nararamdaman hindi mo sya mabasa,sobrang mabait na kaibigan at super mapagbigay. 

na touch nga ako sa text nya sakin na
"hindi ko kayang mawala kayo ni tita kasi kayo lang yung naging malapit sakin"
diba nakaka-touch. Pinapahalagahan nya rin pala kami. :) at masaya ako dun!

si hazel naman, malambing sya in her own way ,sobrang bait at napakamapagbigay. hindi sya katulad ng mga katulad nya na makikita mo sa
kanto. Masipag sya at handang ipaglaban ang mga mahal nya sa buhay hanggat nasa tama
at doon ko sya nagustuhan.


Friends in the Past

photo by Eka Sadie

Hay,nami-miss ko na ang mga high school classmates ko.five years ng grumaduate ako na wala akong balita sa kanila,pero salamat sa fs at nakita ko sila isa-isa ^^.malaki rin ang tulong ng mga social networking sites. (sobra) pero syempre sa tagal ng hindi na nagkita,may mga ilangan na... pero sana makapag bonding kami uli. nakaka-miss kasi yung pagka-cutting classes tapos sa likod ng San Francisco HS. may bakod doon, don kami umaakyat kasi bawal lumabas sa gate hangga't hindi pa tapos ang klase. tapos pupunta sa bahay ng kaklase doon ko first time na natutuhan ang uminom, syempre high school ka, kaya exciting sayo ang mga first time hahah..naglalakwatsya sa loob ng campus,mga kopyahan moment talaga. nami-miss ko yung 4th year adviser namin na si Ma'am Divina sobrang kalog nya at mabait.namiss ko talaga ang mga kalokohan nung high school.

♥♥♥My Two Lovable Angels (",)♥♥♥



Lalong naging masaya ang buhay ko ng dumating ang dalawa kong super cute na pamangkin.Bawat araw na nagigising ako at silang dalawa ang nakikita ko hay!!! sobrang thankful ako kay God na binigay nya sila sa amin.


ito si princess cristine denise aka tiny ^^ nakuha namin ang nickname nya sa nickname ng mama nya si "tin2x" kasi little cristine sya.



ito naman si Jersey Ambhie Nina ang panganay kong pamangkin ^^ kung naging lalaki si jessey ang pangalan nya dapat Kobe kasi mahilig ang mana nya sa basketball at favorite si Kobe Bryant.may kinalaman parin sa basketball ang pangalan nya na "jersey".


pag nagsama silang dalawa ay naku ang gulo ng bahay pero kahit ganun masaya naman.