sa pagmamahal wala namang pinipiling kasarian eh, bakla, tomboy, butiki, baboy.... alam nyo yun???
problema ba ang pumatol sa isang tomboy?? o sa isang bading??
kapag na inlove ka, hindi mo na maiisip ang kasarian ng isang tao. kasi napana ka nga ni kupido eh.
eh anu ngayon kung tomboy o bading ang karelasyon mo??? sa mata ng tao masama agad?!!!
di ba pwedeng nagmahal lang ang puso nila?... bakit negative agad ang naiisip??
imoral sa tingin ng ibang tao, ang puso hindi natuturuang pumili ng mamahalin, kusang dumadating yan sa isang tao, straight ka man o homosexual.
hindi ko naman nilalahat, pero yung ibang tao kasi makakita lang ng magkasama sa mall na same sex na magka-holding hands at sweet sasabihin agad na "ay sayang naman yung babae, pumatol sa tomboy ang ganda pa naman, sayang!" o kaya "ang gwapo naman ng lalaki kaso kasama bading, naku peperahan nya lang yan". ang nasa isip ko lang kayo ba ang nakikipag relasyon sa katulad nyong kasarian?....
tao rin sila at may damdamin katulad ng mga straight...
porket pumatol, masama na agad sila?.. may kalayaan tayo kung sino ang gusto nating mahalin.
hanggat wala tayong sinasagasaan at nasasakatan.
minsan nga nag wo-work out ang ganung relasyon eh, mas matino pa sila sa mga opposite sex eh.
karapatan ng bawat isa ang maging masaya sa taong pipiliin nilang makasama habang buhay, ni magulang nga hindi madiktahan kung sino ang mamahalin ng anak nila. ang kasabihan nga "hahamakin lahat, masunod ka lamang"
ang mga 3rd world sex tao rin naman na may kalayaan, at matanggap sa lipunan.