Saturday, April 2, 2011

Kaibigan




na focus ako sa isang kaibigan,sa kanya lang talaga umikot mundo ko....
sya lang yung gustong makasama, ayaw ng may iba.
sya lang talaga yung kaibigan ko. wala ng iba.
 pero ako lang pala yung nakakaramdam ng ganun.(ewan ko lang kasi ni minsan wala akong narinig sa kanya
kasi limitado yung mga salita nya at magaling syang magtagao ng nararamdaman)
pinahahalagahan ko sya bilang isang kaibigan.
naiintindihan nya kami, kapag kailangan namin sya, sa isang tingin palang alam na
naming tatlo kung anu yung sasabihin/gagawin ng isa.

sa isang problema, dun nasukat yung friendship naminng tatlo.
gumawa ako ng paraan para maibalik yung dati kaso
yung isa bumitaw samin :(( dahil yung kasalanaan na yun eh sobrang napaka komplikado.
nag iwasasan, may mga sama ng loob na hindi na napag-usapan.
gumawa naman ng paraan kaso walang lakas ng loob kung sino ang dapat na
magsimula hanggang sa napabayaan na.

ako lang ung naghihintay para sa kanya na kausapin kami...
yung marinig mo mismo sa kanya yung sincere na sorry, kaso ni pabulong walang narinig.
pero bakit kailangang mag sorry kung ginusto ko/nya yung pangyayari.

sa kanya lang talaga natuon yung atensyon, hindi ako tumingin sa ibang kaibigan
kasi kaming tatlo katumbas na ng isang grupo ng magkakaibigan.
masaya na kami sa bonding ng isat isa.

siguro hanggang dun na lang talaga yung friendship na tipong kailangan
ng tuldukan, siguro sinubok ni god kung hanggang saan lang.
welcome naman sya kung gugustuhin nyang bumalik.
daming moments na pinagsamahan naming tatlo parang sa isang iglap, WALA NA...
hanggang doon na lang siguro yun.
naging malungkot din ako sa nangyari samin may mga pagkakataon na naiiyak kasi wala na, nagkaroon na ng lamat yung samahan kaya kahit anung gawin para ibalik, wala na, kahit sabihin mong okey na kaharap mo sya pero sa loob-loob mo may sakit paring nararamdaman. pag naaalala yung mga time na magkakasama na kumakain kayo sa iisang plato, umiinom sa isang baso, natutulog ng sama-sama, pag naaalala mo yun, nakaka-miss din talaga.
sa umpisa mahirap tanggapin, taon din yung inabot para maisulat ko'to
kasi nung time na yun mahirap maka move on kasi yung friendship na hinahanap ko
natagpuan ko sa kanya kaso nasayang .
pero ngayon thankful ako kasi oks na/naka move on na :)))
at nasusulat ko na ng wala ng sama ng loob..
kung magkita man kami parang walang nangyari pero hindi
na tulad ng dati..
thank you kay god may binigay syang mga kaibigan sakin/samin...
tumingin ka lang pala sa paligid mo andyan pala sila
maga, janine, kevin, ato, richard, bebe en potpot...
salamat sa kanila kasi naging masaya uli kami...
pero malay mo at the end may gawin si God!