Tuesday, January 31, 2012

magkakapatid

ang magkakapatid nagmamahalan, magtutulungan at hindi iniiwan sa ere, ganyan kaming magkakapatid :)))
sobrang saya ang magkaroon ng kapatid na katulad ng mga kapatid ko :)))
close na close talaga kami hahah.... hindi nagkakalayo ang mga edad namin, kaya siguro magkakasundo kami kapag may problema ang isa, syempre dadamayan mo.

sa mag kakapatid hindi mo maaalis ang away at hindi pagkakaintindihan pero sa bandang huli magkakabati kayo at iintindihin ang sumpong ng bawat isa. nagtatakpanan kapag may kasalanan ang isa sa magulang.

lima kaming magkakapatid at ako ang panganay.
mahal namin ang isa't isa.
kapag may kaaway ang isa sa amin, kaaway na rin namin hahah...
sabihin na nating kunsintidor pero hindi naman kami mahilig sa away. kami nga ang inaaway.
kaming magkakapatid hindi sanay na may kaaway. 

itong larawan na'to kuha sa  Quezon City Cirlce
from left to right
(em, lb, tin2x, badeth & jr)

Friday, January 13, 2012

Enchanted Kingdom 2011



enchanted kingdom

sobrang init sa labas


tuwing birthday ko lagi kaming pumupunta sa enchanted kingdom at sa star city.
sobrang gusto ko kasi ng mga nakakatakot na rides.
yung tipong natatakot ka sumakay pero gusto mong ma-experience,.
pag turn mo ng sumakay, nanlalamig ka na parang gusto mo ng umayaw pero pagkatapos
mong sumakay sasabihin mong "YES!!! KAYA KO PALA" at ang saya-saya mong kinikwento yung
experience mo at nauuna pa ang malakas na tawa bago mo maikwento :)))



wheel of fate
kung titignan mo, hindi nakakatakot sumakay dyan kasi
paikot-ikot lang, taas baba.

pero pag nag umpisa ng umandar at pataas na ng pataas, nakakalula na talaga
at pag nakahinto ka na sa taas, nararamdaman mo yung hangin na humahampas sa
sinasakyan nyo at nag swi-swing mag isa. para sakin nakakatakot sumaksay dito hahah..
sobrang kapit na kapit ako dito at nanginginig ang tuhod ko (hahah)
naisip ko baka ma-final destination kami dito, unti-unting natatanggal yung mga tornilyo heheh
lakas ng imagination ko!



space shuttle

titignan mo pa lang nakakatakot ng sumakay lalo pa kayo kung ikaw na nandito.
nung palapit na ng palapit kami, kung anu-ano nararamdaman namin, nanlalamig, para kang na di mapakali, gusto mo ng umatras hahah...
nung turn na namin OMG!!! nararamdaman na naming papataas sya tapos nung nasa dulo na kayo, unti-unting mag maririnig ka na tunog na alam mong bibitawan na yung break, tapos
ayan na!!! sigaw ka ng bonggang-bongga para hindi masakit sa puso hahaha...
napaiyak si lb sa tuwa eh hahah...
mas masarap yung aangat naman kayo patalikod sabay bitaw ng break hahah...
hirap talaga sumigaw kasi kapos yung sigaw mo.
pero da'best talaga ito, ilang beses na kaming pabalik-balik dito
every year pero parang laging first time ang pakiramdam pag sumakay ka, kahit alam mo yung feeling na ganun. ♥___♥





sayang kasi sarado kaya nag enjoy na lang kami sa mga view dito.



flying fiesta

sarap sumakay dito, paikot-ikot lang... sarap ng feeling na lumilipad ka
(flying without wings)

ito talaga yung pinuntahan namin dito eh
kaso nagmahal na kasi bago yung mga kart-trak nila
kaya inis na inis kami kasi kulang yung pera namin para dito.
kaya next time na.
at ayun natapos din ang enchanted kingdom 2011
next time sana madagdagan pa kami... super saya ng birthday ko  ♥