Saturday, July 28, 2012


nakakatuwang isipin na ok na ang lahat, masaya na ang bawat isa :)))
thankful ako na may kaibigan akong katulad nila.

Friday, July 27, 2012

Nutrition Parade

 nakakatuwa naman ang mga pamangkin ko :))) sobrang excited sa parade nila.
nung nakaraang linggo sinasabi nila sakin na may parada sila ng mga prutas. hahah :)))
kaming dalawa gumawa ni hyde ng susuotin nila.
napunta sakin yung patatas para kay tiny, madali lang gawin kasi oblong lang naman at 
gagawa ka ng mga craters, yun lang. una akong natapos si hyde hindi pa kasi ma-ditalye yung soya milk ni jessey.
so tulong-tulong kami sa pag gawa.


late na silang nagising kaya sila yung pinaka huli sa pila hahah.

  
nakakatuwa kasi silang dalawa eh may sariling pila, at ayaw nilang sumama sa pila
ng mga classmates nila. enjoy talaga silang maglakad ng naka holding hands pa.
yung iba nilang classmates nagpabuhat sa mga magulang nila, pero silang dalawa
lakad to the max talaga. ☻

ang sweet talaga ng mag pinsan ♥
Hi Princess of Potato
Jersey and the soya milk


pose kung pose!!!  ang saya nila kanina sa parade nila.
kaso yung iba hindi na nakuhaan kasi ang init sobra,
mabuti na lang at nakisama ang panahon.




Wednesday, July 25, 2012

two thumbs up!
chinita mode :)
hello earring ♥

Monday, July 23, 2012

Big Bike

hahah, sarap mag bike. elementary pa ako ng huli akong makapag bike.


hindi mo masasabing masarap mag bike hanggat hindi mo nasusubukang sumemplang
lalo na't sa harapan ng maraming tao.
 yan ang nangyari sakin sobra hahah, mabuti na lang at isang sugat lang natamo ko,
sa tuhod.

kahit nasemplang na ako, masarap parin mag bike.

Tuesday, July 17, 2012

paborito, pinapaboran

masarap yung feeling na paborito ka, yung feeling na ikaw yung bida, kasi nga paborito ka.
yung tipong bibigay sayo agad kahit hindi mo na sabihin kasi nga paborito ka.
yung tipong hindi mo na kailangan pang magsipsip kasi nga paborito ka.
yung tipong mga ganun.
 pero masisisi mo ba sila kung paborito ka?
yung mga naiinggit eh sasabihin na sipsip ka kasi iba yung treatment nila sa paborito
at sa hindi. anung magagawa ng paborito eh kung sadyang paborito talaga sila.
problema na ng mga naiinggit yun, sila ang may problema sa sarili nila.
eh di gumawa rin sila ng mga bagay na magugustuhan ka ng isang tao.
yung lang wala akong pinatatamaan pero kung sino yung nasapul
eh di sya yun hahah :)))
peace po tayo.


Wednesday, July 11, 2012

Rip King of Comedy Dolphy

itong mga posters na'to ay pagmamay-ari ng aking boss na si Simon Santos http://video48.blogspot.com/

maraming mga tv stations ang pumuputa dito sa Video 48 para sa mga gagamiting article nila.
Video 48 ang puntahan ng mga studyante, mga artista, researcher's, mga kolektor, mga ordinaryong tao.
pati nga sa mga photo journalist, sa mga blog sites, at sa mga magazines sikat ang Video 48.

Sobrang daming nalungkot ng malaman na wala na ang Comedy King Dolphy.
Buong Pilipinas nagluluksa sa idolong nagpasaya ng mahigit 7 dekada sa bawat pamilyang pilipino.
ako, kinalakihan ko si dolphy. parte sya ng aking kabataan. 
mga pelikula at palabas nya sa tv pinapanood naming magkakapatid.

Pero mananatiling buhay sa ating mga puso ang King of Comedy dahil sa mga iniwan nyang mga pelikula
na may kapupulutang aral sa buhay. ika nga ni mang dolphy "pintudin mo lang ang play at tiyak na magkakasama-sama tayong muli"

Makata of TV5



Umagang Kay Ganda

Mj Felipe ng Umagang Kay Ganda2


Monday, July 9, 2012

Happy 4th Birthday Tiny ")))


kapag may nagbe-bertday samin, kami-kami lang talaga .
Happy Birthday Princess! 

Tuesday, July 3, 2012

ABS-CBN show's

Kris Tv


kami yung nakabilog
kitchen ni Ms. Kris
Fist time kong makapasok sa loob ng ABS-CBN. May customer kasi kami sa Video 48
si James Ladic, ayun tinawagan ng katarabaho kong si ate Vick na papalista nya yung pangalan namin.
Ayun apat kaming nakapasok :)))

ang aga ko ngang nagising alas 4 ng umaga, kasama kapatid ko.
dapat kasi 6:30am andun na sa audience entrance.
grabe umuulan pa. sa pagmamadali namin nila ate grace at lb, mali yung nasakyan naming jeep pa-welcome pala kaya ayun baba kami at akyat na naman sa footbrigde hahah. dyahe kasi ang lakas ng ulan.
nakarating naman kami bago mag 6:30 doon.


 
                           
Kapag lunes at martes live ang Kris tv. Monday to Friday 8AM TO 9AM. 
iba talaga kapag nasa studio ka nanonood kesa sa tv, kasi nakikita mo kung anu yung ginagawa nila kapag off-cam. ang lakas talaga ng boses ni ms. kris kahit walang mike heheh :))) si senador chiz naman ok lang mag co-host.
      nakakatuwa si Jonas :))) sya yung nag a-assist sa mga audience at ang bait nya talaga.       
sabi nga nya yung mga gustong manood ng showtime sumama sakin.
sabay tanong sino gusto sumama?
aba! sabay taas kami ng kamay hahah.                      


ang kwela talaga ni Jonas :)

mahirap makapagpa-picture kay miss kris at kay senador chiz kasi yung mga marshall hinaharang ka.
kaya ganyan na lang ang kuha namin at least may kuha kami :))) at nakapanood pa kami sa studio ng live.

hindi talaga ako maka move on dun sa katabi kong babae na naka white.
maya-maya nagsalita yung babae at humangin may di kanais nais na amoy.
eh matagal kaming magkatabi sabi ko kay lb na hindi ko na kaya, mamamatay na ako
tanong nya bakit? sabi ko with the chi words para di naman obvious sa katabi ko na
sya yung pinag-uusapan. as in di ko na kaya talaga.
ngayon nagkapalitan ng  upuan, si ate grace na yung katabi sabi ko
YES!!! nakaligtas na ako. hahah. maya-maya si ate grace naman yung nagrereklamo na bakit sya yung napunta sa pwesto ko. tapos ok na biglang hindi na nagsasalita yung babae tapos humangin umabot sakin at kay lb. sabay sabi ni lb na ate akin na yung panyo mo.
tapos hindi mapigilan ni lb tumawa kasi naamoy nya at ang layo dalawang tao ang pagitan at umabot samin. kaming tatlo talaga as in tawa ng tawa . tinitignan na kaya kami ng mga staff.
yung tipong hindi ka pwedeng tumawa kasi nagte-taping kayo at kinakagat mo yung dila mo para hindi lumabas yung ingay sa bibig mo. as in tawa kami ng tawa.
mabuti na lang at natapos na yung taping at nakahinga na kaming ng maluwag!


it's showtime

tapos na yung kris tv, bumalik uli kami sa waiting area, bibili na kami ng pagkain kasi hindi kami nag-almusal
tapos bibili na sana kami biglang umandar na yung pila papuntang showtime, so hindi na kami nakabili ng pagkain. candy na lang. gutom na kami.imagine ala sais trenta pa kami sa abs tapos
 wala pang kain.
mga kalagitnaan na ng showtime hindi na talaga namin kaya yung gutom, sabi ko konting oras na lang.

tapos akala namin nakaligtas na kami sa babaing nakatabi ko sa kris tv,..OMG!!! may mag syota na pareho ang amoy ng bibig nila as in. hindi nila naaamoy isat'isa. kawawa yung mga katabi nila. si ate grace yung katabi nila tapos tumayo ako kasi kumukuha ako ng picture, bigla ba namang lumipat ng upuan. eh di ako na yung katabi nila. mas malala pa sila sa nakatabi ko sa kris tv .yung score card nga hinaharang ko na para hindi ko maamoy eh, pero super lakas talaga. sabi ko nga na sana nakatayo na lang kayo, wag na kayong umupo. para may hanging presko. tapos yung sa harapan namin ganun din, nagtatawanan na nga lang sila kasi naaamoy nila bibig nila eh. yung mga lightman nga nakatingin na nga samin kasi nakatakip na talaga ilong namin at ang layo ng distansya namin sa mag syota, hindi ba nila napapansin yun? tapos nahilo kami kasi ang baho talaga eh, tapos sumakit ulo namin kasi wala pang kain at may maaamoy ka pang di kanais-nais.


sayang hindi nanalo yung number namin hahah




fave number nya :))
my number :)))

yung lightman



sa hallway ng abs. haggard na ako




tapos na yung showtime at kumain kami  sa bagong tayong mcdo na katapat ng abs.
naka double rice kaming tatlo nila ate grace & lb.
habang kumakain, nanginginig kami kasi sa sobrang gutom.
UNTIL NEXT TIME!