Friday, July 19, 2013

Toshiro Mifune & Akira Kurosawa

photo source: internet
edited by (me) em serreng
Hindi ako mahilig manood ng black en white kasi ang boring walang kulay.
Sinubukan kong manood ng isa Rashomon, sa tingin ko ang boring sa umpisa kasi nga black and white.
Eh habang umaandar yung story, HUWAW!!! ang ganda ng pelikula!!!
nawala na yung pagkaboring kahit black en white nalalagyan na ng kulay ang panonood ko.
Ang galing ng Direktor at ng Actor as in!!!
Bawat eksena kaabang-abang kasi mapapaisip ka kung sino nga ba talaga ang pumatay,
ang asawa ba, ang magnanakaw o ang bandido?..
at the end of the movie mapapaisip ka talaga!!!

Tapos araw-araw na akong nanonood ng mga film ni Akira Kurosawa at syempre andun din si
Toshiro Mifune. Nag start na akong mag google about them at sobrang
interesting ng mga buhay nila!!! Dahil dun im a certified
AKIRA KUROSAWA AND TOSHIRO MIFUNE FAN! :)))


for more info about this movie go to IMDb

kung gusto nyo mapanood 'to at mga old foreign films at classic punta lang kayo sa Video 48 

Thursday, July 18, 2013

yung mga nakakairita sa fb


hahah!!! nakakairita talaga yung iba na send ng send sayo ng game requests
eh hindi mo naman nilalaro. yung tipong makapag send lang sila... grrrrr
oh! ayan si Linda Blair at mga Zombies!!!
mapanaginipan nyo sana hahah!!!

Friday, July 12, 2013

Customized Cake by Pastry Passion


Sa mga gustong magpa-customized ng mga cakes eh punta lang kayo sa
Pastry Passion sa West Ave. West Triangle Quezon City.
o kaya tumawag sa 921-95-06, 373-29-36 or 415-01-08.

FIRE TRUCK CAKE

this cake cost php 2500





Thursday, July 11, 2013

10 % more?..


Paborito ko tong kainin pero hindi ko napapansin kung lumaki nga  ba talaga ito.
Kayo na ang humusga heheh! :)
wala lang napag tripan lang namin na kuhaan ng picture.






Wednesday, July 10, 2013

RIP "Amable Quiambao"

photo source:  lifestyle.inquirer.net

Video 48 condolences the family of Amable Quiambao.


 Ama Quiambao's Borrower's Card @ Video 48


Tuesday, July 9, 2013

ihaw-ihaw


Hindi ako marunong kumain ng mga street foods, natuto lang akong kumain
nung high school pa ako. Para kasing nakakadiri kainin.
yung mga pangalan na isaw, betamax, tokneneng, tenga, dugo dun ko lang
nalaman mga pangalan nila hahah.
masarap pala talaga!!!
Lalo na kapag may kasama kang kumain at ang sawsawan dapat maraming sibuyas
at maraming sili. Panalo ang mga tenga, dugo at isaw ng Gonzales Bakery
sa Del Monte Q.C.

Friday, July 5, 2013

Kalokalike ( Ka Look Alike)

Sobrang nakakaaliw manood ng Kalokalike isang segment sa Showtime (ABS-CBN)
Mabuti at nagkaroon ng part 2 (KALOKALIKE FACE 2)
Yun na nga lang talaga inaabangan ko kapag Showtime na.
Kamukha o Hindi sobrang sasakit tyan mo sa kakatawa.
Sa ngayon araw-araw ng merong kalokalike kasi wala pa yung mga
magpapakita ng mga talent nila, syempre may bagong pakulo na naman ang Showtime
malamang ibabalik na nila yung dating mga sumasayaw as in sayaw na totoo
yung may mga nakakatakot na stunt parang Bida-Kabarkada.


Si Gollum ng Lord of the Rings at Si Ungga.
Kalokalike O Kaloka?!. hahah! ^__^



 Ako rin may kalokalike, Sakura Kinimoto.

Tuesday, July 2, 2013

Monday, July 1, 2013

Toy Poodle



Oops! Sarap ng tulog ni Apple. Kinalbo kasi buhol-buhol ang mga buhok nya.
Parang ayaw nya yung bagong look nya heheh.
Pero ilang months lang hahaba na hair mo Apple, push natin yan!