Friday, March 25, 2011

My Bimbi... rip

my bimbi


almost two months lang samin si bimbi, kinuha rin sya ni god samin.pahiram lang
samin...

sobrang sad ako ng mamatay si bimbi :(((
2 weeks din syang nasa vet.
hindi na kinaya ng katawan nya kaya ayun :(((
sobrang lungkot talaga, pinagpupuyatan ko syang painumin ng gamot nya
every 3 hours gigising ako para lang painumin sya.
katabi pa namin sya matulog. sobrang kulit nya.
sobrang naawa talaga ako sa kanya kasi sobrang laki
ng pinayat nya. yung hirap na hirap na talaga sya
pero pinipilit nya paring tumayo kahit hindi nya na kaya talaga...


nung alam ko ng mamamatay si bimbi, hindi na ako pumunta sa vet. kasi
hindi kaya ng puso na makita yung kalagayan nya. pero sabi sakin na 
pumunta na ako kasi parang ako lang daw yung hinihintay ni bimbi.
pagbaba ko pa lang ng sasakyan, tulo agad yung luha ko,
pagpasok ko dun nakita ko si bimbi ang laki ng ipinayat at
pinipilit nyang tumayo para lumapit sakin
sobrang napaiyak ako na hindi na mapigil ang luha.

tapos pagkauwi namin, mga ilang oras lang kaming nasa bahay,
tunawag si Doc. Albert na wala na si bimbi.

thank you God kahit pahiram lang si bimbi samin...