Thursday, May 16, 2013

Special Delivery! :)


dati rati sa palengke tayo namimili ng mga kailangan natin sa bahay
pero ngayon may mga naka bike na naandun na lahat ng gamit na 
ginagamit natin sa pang araw-araw. nakakatuwa nga eh kasi naglilibot sila
sa buong baranggay nyo para magbenta at instant nasa labas lang ng kalye nyo
at hindi na kayo mahihirapan pang sumakay para pumunta sa palengke.

bakal-bote-dyaryo
prutas
 tapos may mga naglalako na ring mga prutas, mga gulay at meron naring mga isda.
natutuwa akong makita sila sa lugar namin kasi hinihintay na lang sila ng mga nanay
sa labas ng bahay nila para mamili.
mais, gulay, saging
buko

Saturday, May 11, 2013

Happy Mother's Day


Happy Mother's Mang!

Thankyou sa pag-aaruga, pagmamaahal na binibigay mo.
Kahit malaki na ako ikaw parin ang nagtitimpla ng kape kong ubod ng sarap!
Naghahanda ng babaunin ko pagpasok sa trabaho tapos may prutas pang kasama
at saka meryenda, kapag maglalakad lang ako papasok sinasabihan ako na sumakay
ka na lang kasi mainit at bibigyan ako pamasahe.
Salamat sa pag-aalaga ng mga pamangkin kong ubod ng likot,
sa pag unawa saming magkakapatid kapag nag-aaway kami.
Salamat sa mga payo mo sa pag-ibig na may kasama pang biro.
Salamat sa pagsuporta sakin sa kahit anong desisyon ko.
Salamat sa pagmamahal mo sa aming amang hari.
Hindi ka lang nanay, ate pa at kaibigan.
Sobrang mahal na mahal ka namin Mang!


Thursday, May 9, 2013

Pastry Passion

Sa mga mahilig mag kape at kumain ng mga matatamis, isinasadyes ko ang 
Masarap ang kape nila dito, masasarap rin ang mga cakes at pastries dito! APRUB na APRUB!.
Sa 48 West Avenue Q.C, tumbok ng Del Monte corner Liwayway St.
at ang pangalan ng building na ito ay Mary Santos Artcade
madali lang hanapin kasi nasa bungad lang ng West.

May mga pasta, pies,cookies, tarts, panini, smoothies rin sila.
Paborito ko nga dito yung fettucine alfredo na napakasarap ang white sauce!
sa cakes naman eh yung decadence at may kasama pang caramel sauce!
SARAP!!! :)

Cakes to enjoy! :)

Ngayong paparating na ang Mother's Day pwede kayong magpagawa sa kanila ng cakes
para sa mahal nyong nanay!
Kahit anong okasyon mapa-Birthday, Valentines, Binyag, Kasal
kayang-kaya nilang gawin ang mga cakes na gusto nyong pagawa!

CALL THEM @ 415-01-08

 

 

Bubungad sa inyo ang mga kwela at mababait na staff ng Pastry Passion





Wednesday, May 8, 2013

Grace Poe sa Senado


Lets Support Grace Poe

natutuwa ako sa mga pamangkin ko nung dinikit na ni mama yung poster,
ang saya-saya nila! :) lalo na kapag nakikita nila sa commercial
sumisigaw sila na "mama em, mama em si grace!"

Sobrang sincere nya at siguradong hindi sya mangungurakot!,
Suportahan po natin sya sa darating na eleksyon! :) ♥