Friday, December 28, 2012
Tuesday, December 25, 2012
Monday, November 26, 2012
Paalam, Direk Celso
Tuesday, November 20, 2012
Friday, November 16, 2012
Friday, November 9, 2012
Saturday, November 3, 2012
Happy Halloween :)
Monday, October 29, 2012
The Queen Visits Video 48
sobrang nakakatuwa kasi natupad yung hiling ng boss ko (Mr. Simon Santos) na sana makapunta si Ms.Susan Roces
sa Video 48 http://video48.blogspot.com/ , at ayun nga nakapunta sya :)))
Salamat kay ate tina kasi dito sa Mary Santos Artcade nya sinelebrate ang birthday nya at
inimbita nya si Ms. Susan.
pinipirmahan ni ms. susan roces ang poster na "perlas ng silangan" |
Me and Ms. Susan (Si Mr. Megano regular customer ng Video 48 mas maganda pa ang ngiti kesa sakin! :) LOL) |
Monday, October 22, 2012
Monday, October 8, 2012
Femto and Slan
dito sa picture na'to 2 months old palang sila.
eto naman ang ngayon, mag e- 8 months na sila sa October 28.
ang bilis noh :)) malalaki na sila. at ang tatay nilang si jan2x nagkakamot na sa ulo
dahil sa laki ng cost of living ng mga retriever na ito.
Monday, September 17, 2012
Wednesday, September 12, 2012
Saturday, September 8, 2012
Tuesday, September 4, 2012
Monday, September 3, 2012
Friday, August 24, 2012
Ang Tv Movie: the adarna adventure
nakakatuwa kasi ang babata pa ng mga ang tv kids.
sobrang gusto ni jersey pamangkin ko itong pelikula na'to
lalo na yung eksena na nabihag sila ni mr. m at tinali sila na parang baboy at may
uling pa sa ilalim nila para kainin sila.
sobrang tuwang-tuwa si jessey sa eksena na yun.
talagang tinapos nyang panoorin eh.
It has been the habit of the group composed of Michael Roy, CJ Ramos, Stefano Mori, Camille Pratts
and Patrick Garcia to go every night to Angelica Panganiban's lola for a story telling. As her lola reads to them the story oF Ibong Adarna, she collapsed leaving the kids dangling with suspense.
When they return to the following day, weird things started happening.
There was an intense light and strong wind. Suddenly, Angelica appeared to them floating while trapped inside a light capsule. As the group touch it, they all instantly disappeared and turned up in a land called
Berbanya.
The group undergoes a series of adventure as they find themselves enacting the story of Ibong Adarna.
Tuesday, August 21, 2012
Monday, August 20, 2012
Maligayang Kaarawan Da King
Friday, August 17, 2012
Braided Hair
walang magawa sa Video 48 kaya ayan, may pimple kasi ako sa ilong kaya tinakpan ko heheh.
ako lang nag tirintas nyan, madali lang naman eh.
Wednesday, August 15, 2012
T3 - Motorist mauls MMDA Enforcer
ang mga ganyang tao hindi dapat tinutularan.
hindi nya man lang ginalang ang mmda officer, naka uniporme pa naman sya.
hindi nya man lang ginalang ang mmda officer, naka uniporme pa naman sya.
Thursday, August 9, 2012
istranded sa trabaho dahil sa bagyo, ilang oras din kaming nasa building.
wala talagang gaanong tao sa labas at ang mga sasakyan na dumadaan
mabibilang mo lang.
si kuya kahit ang lakas-lakas ng ulan nagba-bike parin. |
si manong walang masakyan |
as in wala talaga syang masakyan, kanina pa sya naghihintay ng jeep |
may mga tao ng naglalakad kasi wala talagang bumibiyaheng jeepney |
ang mga tricycle driver ang naghahari sa daan |
walang mga sasakyan |
kung hindi tricycle ang makikita mo sa kalsada, mga motorsiklo din |
Tuesday, August 7, 2012
hanging habagat
mahigit dalawang linggo ng umuulan sa metro manila at mga probinsya na apektado ng
hanging hagabat. may mga bahay na nasira ng malakas na hangin. mga taong namatayan
dahil sa habagat mga kalyeng baha hanggang binti at yung iba hanggat dibdib o lagpas tao pa, mga bahay na pinasok na ng baha.
kung magpapatuloy pa ang ganito, paano na lang ang mga taong nakatira sa malapit sa ilog?
sa marikina river? sa ilog pasig? sa mga mababaang lugar? na konting ulan lang magbabaha na.
yung mga estudyante na nananalangin na sana umulan uli bukas para wala uling pasok.
sobra kung magdasal ang mga yan, at pag inanounce na, na walang pasok ang mga lundag ang tataas.
ganun din naman ako nung nag aaral pa ako, pero
naisip ko na maraming sakuna ang nagaganap mga trahedya dala ng hagabat/bagyo
na may mga taong naghihirap.
swerte kami kasi hindi kami binabaha katulad ng mga napapanood ko sa balita sa tv,
swerte kami kasi may maayos kaming tinitirahan. kaya kung iisipin nakakaawa ang mga taong
apektado ng hagabat. kaya sana tumigil na ang pag uulan. please lord.
Friday, August 3, 2012
kung ayaw, sabihin.
wala namang kaso kung sasabihin ng diretsyo.
mas maganda ngang sabihin ng maaga kesa ang dami-dami pang paliwanag
at paikot-ikot eh dun din naman ang patutunguhan.
pag may pabor ang isang tao sayo, ang bait-bait at may bola pang halo.
kahit hindi naman na bolahin, gagawin parin naman eh.
halata na ngang binobola ka kasi may kailangan sayo.
hindi ka naman tanga para hindi mo mapansin kasi hindi naman sya ganyan
trumato sayo kapag walang kailangan.
tapos kapag wala ng kailangan ang tao sayo, BOOM!!!
parang hindi ka nag nag-e-exist sa paligid nya.,
hindi ka na kilala kais nga wala ka ng silbi sa kanya.
nakakainis isipin pero karamihan sa mga tao, ganyan ang ugali.
Thursday, August 2, 2012
cute jaime
ito si jaime at medyo umitim kasi naglalaro sya ng soccer.
mahilig kaming mag picture together hahah.
medyo makulit rin sya, ay hindi pala makulit talaga.
nag gugupit ako ng bangs ko, hindi ko sya nakita na pumasok na pala at bigla
nya akong ginulat. gulat na gulat talaga ako, napasigaw ako ng bonggang-bongga
buong ground floor ata rinig ang sigaw ko hahah.
si jaime nagulat sa pagsigaw ko at parang napahiya sya heheh.
sabi nya "ate em nagulat din ako kasi ang lakas ng sigaw mo"
sabay tawa kaming dalawa.
Wednesday, August 1, 2012
Kahit Puso'y Masugatan
taping ng kahit puso'y masugatan @ Pastry Passion http://pastrypassionmanila.blogspot.com/
friendly ang mga staff nila ah :)))
my sis ambhie and miss iza calzado |
sabi ng mga staff na pa-picture kayo kay iza mabait yan, pag sinabi mo na papa-picture ka,
ay hihinto yan at mag po-pose sa camera. hindi daw tulad ng ibang artista na suplado/suplada haha
tama nga sila, pag pasok palang sa video 48 sabi nya magandang hapon po :)))
tapos pa-pirma kami ng rouge magazine sa kanya.
tapos ayun, picture taking na :)))
tapos sabi pa nya na " dating customer nyo ang dad ko dito"
wow! alam nya ang video 48, siguro nakwe-kwento ng dad nya.
dati naming customer ang dad nya na si Mr. Lito Calzado who died of liver cancer last year.
kumuha si miss iza ng mga pelikula ni Lino Broka at classic films.
isa to sa mga scene na ipalalabas sa kahit pusoy masugatan on friday.
grabe ang galing umiyak ni miss iza, ang bilis tumulo ang luha.
ang galing nila ni jake cuenca.
manood po kayo sa friday.
Saturday, July 28, 2012
Friday, July 27, 2012
Nutrition Parade
nakakatuwa naman ang mga pamangkin ko :))) sobrang excited sa parade nila.
nung nakaraang linggo sinasabi nila sakin na may parada sila ng mga prutas. hahah :)))
kaming dalawa gumawa ni hyde ng susuotin nila.
napunta sakin yung patatas para kay tiny, madali lang gawin kasi oblong lang naman at
gagawa ka ng mga craters, yun lang. una akong natapos si hyde hindi pa kasi ma-ditalye yung soya milk ni jessey.
so tulong-tulong kami sa pag gawa.
late na silang nagising kaya sila yung pinaka huli sa pila hahah.
nakakatuwa kasi silang dalawa eh may sariling pila, at ayaw nilang sumama sa pila
ng mga classmates nila. enjoy talaga silang maglakad ng naka holding hands pa.
yung iba nilang classmates nagpabuhat sa mga magulang nila, pero silang dalawa
lakad to the max talaga. ☻
ang sweet talaga ng mag pinsan ♥ |
Hi Princess of Potato |
Jersey and the soya milk |
pose kung pose!!! ang saya nila kanina sa parade nila.
kaso yung iba hindi na nakuhaan kasi ang init sobra,
mabuti na lang at nakisama ang panahon.
Subscribe to:
Posts (Atom)