mahigit dalawang linggo ng umuulan sa metro manila at mga probinsya na apektado ng
hanging hagabat. may mga bahay na nasira ng malakas na hangin. mga taong namatayan
dahil sa habagat mga kalyeng baha hanggang binti at yung iba hanggat dibdib o lagpas tao pa, mga bahay na pinasok na ng baha.
kung magpapatuloy pa ang ganito, paano na lang ang mga taong nakatira sa malapit sa ilog?
sa marikina river? sa ilog pasig? sa mga mababaang lugar? na konting ulan lang magbabaha na.
yung mga estudyante na nananalangin na sana umulan uli bukas para wala uling pasok.
sobra kung magdasal ang mga yan, at pag inanounce na, na walang pasok ang mga lundag ang tataas.
ganun din naman ako nung nag aaral pa ako, pero
naisip ko na maraming sakuna ang nagaganap mga trahedya dala ng hagabat/bagyo
na may mga taong naghihirap.
swerte kami kasi hindi kami binabaha katulad ng mga napapanood ko sa balita sa tv,
swerte kami kasi may maayos kaming tinitirahan. kaya kung iisipin nakakaawa ang mga taong
apektado ng hagabat. kaya sana tumigil na ang pag uulan. please lord.
No comments:
Post a Comment