simpleng tao lang naman ako. katulad nila, ninyo, nya at ikaw.
matutulog, gigising, kakain, at papasok sa trabaho,
pag dating sa trabaho, uupu sandali at mag re-retouch tapos umpisa na ng trabaho.
pagdating ng alas dose kakain, tapos, magpapahinga, manonood ng showtime at pinoy henyo.
tapos trabaho na uli, konting kwentuhan sa ka-trabaho tapos trabaho uli.
pag dating ng ala sais trenta manonood ng tv patrol tapos trabaho uli.
hanggang dumating ang alas otso ng gabi, uwian na.
yung mga tipong ganun na paulit-ulit mo lang na ginagawa.
maiiba lang kung may lakad ka na hindi mo inaasahan, mga aya ng mga kaibigan,
kasiyahan, birthdays, kasal, binyag, despidida yung mga tipong ganun.
pero sa araw-araw na ginagawa ng DIYOS, naisipan nyo ba na magpasalamat sa KANYA??
kahit sa simpleng bagay lang?,maglaan ka kahit isang minuto na kausapin SYA. kahit yung tipong lord itong ginagawa ko para sayo. salamat po.
yung magpapasalamat ka sa KANYA na "salamat lord kasi binigyan mo pa ako na gawin tong
mga araw-araw na gawain ko, bago matulog at paggising."
kasi aminin natin sa sarili natin na nakakalimutan natin SYA.
maaalala lang natin sya kapag may problema tayo. dun lang natin
naaalala na banggitin yung pangalan nya. kahit ganun tinutulungan parin nya tayo na maging
malakas para harapin ang problema.
Di ba kung iisipin mo sobrang swerte pa natin kasi may isa pa tayong araw na
magagawa kasi hindi natin alam kung kailan tayo mawawala sa mundong ibabaw.
kaya habang may panahon at habang may hininga pa tayo ipakita natin sa mga mahal natin sa buhay na
mahal na mahal natin sila, yung mga bagay na hindi natin nagagawa araw-araw gawin na natin ngayon,
habang hindi pa huli ang lahat.
marami akong naririnig kahit naman kayo na
sana ginawa ko 'to na sana man lang naiparamdam ko sa kanya to'
na sana kung alam ko lang na magkakaganito yung mga tipong ganun.
mga pinoy kasi hindi naman lahat na
mamaya na lang or may bukas naman
yung mga ganun na dapat hindi na pinagpapabukas pa
may ngayon naman.
kaya sa araw-araw na nagigising pa tayo at binibigyan pa tayo ng pagkakataon para mabuhay
mahalin natin ang ating pamilya, kaibigan at mabuhay ng masaya at
magpasalamat kay LORD na nagagawa pa natin araw-araw yung mga
nakasanayan na nating gawin.
Thank you Lord kasi nakapag sulat pa ako nito.
SALAMAT PO :)))

No comments:
Post a Comment