halos lahat ng movie na meron kami ni Fpj meron na sya....
makwento at mabait si Sir Cesar, kinikwento nya yung mga anak nya at
asawa nya na namatay dahil sa cancer.
Sa edad nya na 62 wala na syang pinoproblema sa buhay nya. yung pension nya
ginagamit nya sa pangbili ng mga pelikula ni da king.
napunta sa usapan yung swerte kasi nag kwento sya about sa raffle ng sasakyan.
sabi nya hindi ko alam kong maniniwala kayo sa kikwento ko ah,
sabi nya hindi ko alam kong maniniwala kayo sa kikwento ko ah,
di ko na matandaan yung taon kung kelan nya napanalunan yung sasakyan nya.
kasi may katrabaho sya na bumili ng raffle ticket para sa isang sasakyan.
pinapili sya kung anung ticket yung kukunin nya, sabi ni Sir Cesar,
kahit anu na lang daw sa dalawa. pagkalipas daw ng isang linggo,
sabi ng katrabaho nya "Sir nanalo kayo ng sasakyan"
hindi makapaniwala si sir cesar.
kwento pa ni sir na bago sya manalo ng sasakyan, mga tatlong araw bago yun
nasa kahabaan daw sya ng quezon ave. eh sobrang traffic daw.
may lalaki daw na lumapit sa sasakyan nya, lalaking naka-wheel chair,
kumatok sa bintana, binuksan nya tapos sabi ng lalaking
naka wheel chair "sir pwede ho bang makahingi ng pambili ng pagkain"
binigyan nya ng bente pesos, eh yung bente pesos na yun malaki na nung araw.
kaya sabi ng lalaking naka-wheel chair "maraming salamat sir, ang bait mo"
sabi ni Sir Cesar "oh bakit aalis kana? marami pang sasakyan sa likod?"
sabi ng lalaki "okay na ito sir sobra na ho ito sa pagkain ko"
tapos wala pa daw'ng saglit nawala yung lalaki na naka-wheel chair.
bumaba si sir para tignan pero wala daw syang nakita.
sabi pa ni sir samin may nakita na ba kayong namamalimos sa gitna ng kalsada na naka wheel chair?
sagot naman ni ate vicky kasama ko sa trabaho na wala syang nakikita pero
sa mga humihingi na tulong sa mga bahay-bahay meron.
ako naman merong nakikita mga babaeng may hawak na bata o di kaya'y mga batang namamalimos, mga matandang may mga kapansanan. pero wala pa akong na-e encounter na naka wheel chair.
habang kinikwento samin ni sir yun tumayo yung mga balahibo ko as in promise!
sabi nga ni sir cesar anu yun coincidence lang? sa pagkapanalo ko ng sasakyan sa raffle?
o talagang swerte lang ako?
kahit si sir hindi makapaniwala eh.
habang kinikwento nya pumapasok sa isip ko na sa mga pelikula ko lang nakikita/napapanood
yun na anu yun si papa jesus? na nagpanggap na lalaking naka wheel chair? o isang anghel?
sa panahon ngayon mahirap talagang maniwala sa mga kwentong ganyan.
pero hindi naman kami pinipilit ni sir na maniwala, gusto nya lang i-share samin yung experience nya.
sa mga pilipino mahirap paniwalain yan hanggat hindi sila mismo yung maka experience ng ganun.
motto nga natin " to see is to believe "

No comments:
Post a Comment