Isang beses ko pa lang nakita ang tatay ng nanay ko at yun ang lolo ko.
Nung bata pa ako nakapunta na ako sa probinsya nila sa Dumaguete pero hindi ko matandaan
ang itsura nya kasi nga bata pa ako.
Noong 2012 ng March umuwi kami ni Mama at pamangkin kong si Jersey
sa tinagal tagal ni Mamang sa Maynila nakauwi rin sya sa wakas!!! Sobrang saya ang nararamdaman nya
kasi sa loob ng 26 years lang uli nagkita ang mag-ama.
Papalapit palang kami sa bahay nila mama, nakita na namin si lolo na nakauppo malapit sa pinto, yung mga mata nya nangungusap na sa wakas andyan na ang anak nya.
Hindi pa kami nakakalapit ang mga iyak nila hindi na mapigilan at ang yakapan sa bawat isa
eh sobrang higpit, naramdaman ko yung mama ko na sa tinagal ng panahon na
nawalay sya sa magulang nya na parang ayaw nya ng pakawalan sa yakap sila lola at lolo.
Isang linggo lang kami sa probinsya at ang bawat oras hindi sinayang ng mama ko
na makapling ang magulang nya. Kahit sa sandaling panahon ko lang nakasama sila Lolo at Lola
ramdam mo na ang babait nila, inuuna pa nila na pakainin kami. laging inaalala kami kapag
mamamasyal kelangan may kasama pa kami na sa kabila ng karamdaman ng lolo ko eh
hindi nya pinahalata samin na may sakit sya inuuna pa nya yung kasiyahan namin,
lalo na ako na ako yung paborito nyang apo.
Mababaw lang ang kaligayahan ng lolo ko, na ok na sa kanya yung may
radyo sya at tv na pagkakaaliwan, binigay ko yung portable player para may
Kahit sa sandaling panahon eh naramdaman ko na mahal ako ng lolo ko.
Nung dumating na yung araw na kelangan na naming umuwi nila mama, nung gabi palang eh
ang dami ng bilin ni mama kay lolo na kelangan nyang inumin yung mga gamot nya, kumain
ng tama at nasa oras, magpagaling sya para sa susunod na pagbalik namin eh magkita pa kami.
Nung susunduin na kami ng tricycle nagpaalam na ako kay lolo at lola at hinalikan at niyakap ko
sila. Iniwan ko na si mama kasi hindi kaya ng puso ko yung nakikita ko sa nanay ko na umiiyak
sya habang nagpapaalam sa mga magulang at kapatid nya na hindi alam ang
mangyayari kung makakauwi pa ba sya uli.
Dapat 2013 ng March magbabakasyon uli kami kaso hindi natuloy dahil sa family problem.
Kaya sabi namin na next year na lang. Araw2x na tumatawag si mama sa kanila para
makausap sila lolo at mga kapatid nya na parang magkalapit lang sila, hindi namamalayan yung buwan
na malapit na kaming magbakasyon.
Kapag nagkakasakit si lolo nagpapadala kami buwan2x ng pera para pambili ng gamot at para
sa nebulizer ni lolo. Thankful sila sa probinsya kasi may sarili ng nebulizer si lolo
at hindi na kelangan pang manghiram sa kabitbahay, nakabuti yung may sarili na sya.
Pero itong month nato na stroke si lolo at sabi ok na sya pero hindi pala kasi
hindi na nila sinabi samin yung totoo na malala na si lolo, ayaw nilang mag-alala si mama.
Aug. 20 ng 7:00 ng gabi wala na si lolo! :(((
Masakit pala yung nililihiman ka na akala mo okey na yung lahat pero hindi pala.
Yung time na yun sumabog yung mundo ni mama, yung iyak nya hindi mapigilan pati si papa.
Masakit sa pakiramdam yung mamatayan ka na mismo kamag anak mo, sa akin masakit
paano na lang sa nanay ko? mas masakit yun kasi anak sya at magulang nya yung kinuha ni Lord
na sa sobrang tagal na nawalay sa isat'isa eh isang beses lang nagkita at sa telepono na lang
nag-uusap.
|
Yung gamot n para sayo, ndi mo n napakinabangan May you rest in Peace LoLo! na kht ndi tau nagkasama gusto ko sabhn sau I LOVE YOU !! Kung asan k man ngaun mag iingat ka! Alam nmn n masaya ka jan! Kmi n bahala kay LoLa! |
From my Sister's Instagram:
bernadethbrielle
Mahirap sa parte ng nanay ko na hindi nya na makikita si Lolo at hindi nya maihahatid
sa huling hantungan pero alam kong maiintindihan ni Lolo yun, alam nya
yung hirap ng buhay nung nabubuhay pa sya.
Masakit sa apo ang mamatayan ng lolo, mas masakit sa anak ang mamatayan ng magulang
pero ang pinakamasakit sa lahat ay ang mamatayan ka ng asawa.
Nag-aalala rin ako kay lola kasi for almost 50 years na magkasama sila,
sa hirap at ginhawa. Si lola ang nag-aalaga kay lolo ni-reklamo walang narinig
si lolo kay lola na nahihirapan na syang mag-alaga, yung pagibig nya walang kapantay.
Sa dalawang tao na nagmamahalan kamatayan lang ang maghihiwalay sa kanila.
Kaya lola kayanin mo kasi may mga apo ka pa at anak na nagmamahal sayo.
Lahat naman tayo darating dyan at alam natin yun pero hindi natin alam kung
paano tanggapin ang pangyayari basta kapit lang kay Bosing!!!
Thankful ako kay Lord kasi hindi nya na dinagdagan pa yung paghihirap ni Lolo at alam namin
na kasama nya na sa Heaven si Lolo Felipe.
Sobrang mamimiss ka namin Lolo, may you rest in peace at alam kong
may anghel na kaming kasama at gagabay at bubulong kay God kapag may problema kami.