4 years na rin ang nakakalipas nang pumanaw ang Mother of Philippine Democracy, Cory Aquino.
Ang bilis ng panahon, parang kailan lang apat na taon na pala.
REPOST:
Sobrang hirap talaga ang pumila, maraming taong gustong masilayan ang
huling sandali ng ating dating Pangulong Cory Aquino.
Umuulan pa, Maputik... May mga nakilala pa kami doon eh!..
Sobrang gulo ng pila, pabalik-balik lang kami.
Kahit may dala na kaming payong eh nabasa parin kami, hindi namin pinansin
yung pagod eh!.
10pm na kami nakarating sa Manila Cathedral, 12:30am na kami nakapasok sa loob.
2hours and 30minutes kaming nakapila na feeling namin na parang hindi na kami makakapasok
sa sobrang daming tao at ubod ng siksikan.
Pagpasok namin, lahat ng dinanas na pagod namin mula sa pagpunta at pagpila ng
pagkahaba-haba nawala lahat ng pagod namin ng salubungin kami ng Pamilya Aquino.
Kahit hindi nila kami kilala lahat sila Tenkyu ng tenkyu sa lahat ng taong pumapasok para
makita sa huling pagkakataon ang Former President.
Nandon sa pagsalubong sa mga tao sila Miss Vilma Santos, Miss Ai-Ai at Si Miss Kris.
kahit mahaba ang pila at umuulan, okey lang sa mga tao,
makita lang ang dating pangulo.
makita lang ang dating pangulo.
Sobrang nakakatakot talaga ang pumila kasi parang hindi ka na makahinga sa sobrang siksikan at ang dami pang tao, feeling ko nung oras na yun magkakaroon ng stampede pero thank you kay Lord hindi nya pinahintulutan.
Iba't- ibang klaseng tao yung mga pumunta doon, kahit napaka hirap at ang haba ng pila okey lang kasi gusto mo talagang makita hanggang sa huli ang Former President.
Sobrang lakas pa ng ulan ng gabi na yun, kahit ganun tuloy parin ang pagpila.
Hindi talaga iniinda ang pagod.
Hindi talaga iniinda ang pagod.
Mga Volunteers na namimigay ng mga energy drink, hindi ko nakitaan na pagod sila
kasi talagang naka smile sila habang nag-aabot sa mga dumadaan na nakapila.
Nakaka Proud sila!!!
kasi talagang naka smile sila habang nag-aabot sa mga dumadaan na nakapila.
Nakaka Proud sila!!!
No comments:
Post a Comment