Friday, February 7, 2014

RIP Tado Jimenez

Photo Taken January 10, 2012
Nakakalungkot kasi biglaan ang pagkawala ng isang kwela at mabait na customer ng
Video 48, Tado Jimenez.

Friday, January 17, 2014

Neil and Tegan's Wedding

Itong wedding na'to ang pinakamasaya at hindi masyadong nakakapagod.
Relaks lang as in! :)))

Tegan the Lovely Bride :)
View from the 3rd lobby
Events and Beyond's coordinator

nabusog ako ng sobra ditoooo!!!!



Wednesday, January 15, 2014

Flower Crown

Dahil sa tinagal-tagal ng paghahanap ko ng flower crown eh wala talaga akong
makita na magugustuhan ko, meron sa mall pero tatlo or apat lang ang flower,
so gumawa ako :)))
Madali lang naman gawin to kailangan mo lang eh
*plastic flowers, *gunting, *glue gun
*scatch tape *ribbon


ginupit ko yung mga flowers sa stem at yung tangkay eh yun 
yung ginawa kong base (bilog) para sa mga didikitan ng mga bulaklak.


Tapos pinagdikit ko ng scatch tape yung dalawang dulo at kinoberan
ko ng red na ribbon. :)


Nag pattern muna ako para talagang kakasya yung mga bulaklak 
tapos kapag sakto na yung mga bulaklak sa bilog, ididikit na gamit
ang glue gun.

Ayan na yung finished product! :))) 
Sobrang tuwang-tuwa sila Princess and Jersey sa flower crown nila! :)

Monday, January 13, 2014

A touch of blue


a closer look
ito lang yung earcuff na meron akong may ka partner! :)
earcuff a gift from one love
Tadaaa!!! New Nail Art sa tinagal tagal :)

Saturday, January 11, 2014

Happy New Year 2014


Happy New Year Everyone! :)))
Party-party muna sa loob ng bahay habang hinihintay na mag 12 am!!!
Bonding time muna with the Family.



Pagkatapos salubungin ang 2014 sa kanya-kanya naming bahay eh kami namang
mga magkakaibigan ang magpa-party sa labas! :)))


Dahil wala si Ate Regs at nasa Saudi ito para sayo!
We wish you were here Ate Regs!


Kanya-kanyang mga pose! :))
Kami na lang ang mga tao dito kasi pagkatapos na salubungin ang 2014
eh maaga silang natulog.


Dahil sa inabot na kami na kami ng 7am sa labas, eh piktur-piktur din.
Malinis ang kalsada namin hindi tulad nung mga nakaraang taon eh puno ito ng 
mga paputok at sobrang kapal ng usok.


Walang mga dumadaan na sasakyan heheh.


Dahil sa hindi nakasama si Jan2x sa Baguio ito na yung "PAG" hahaha
na hinihintay namin! :)


Parang hindi kami nakainom nito kasi parang wala lang yung ang dami nyo ng nainom
pero hindi kayo nalalasing paano puro picture ng picture.
Si Cesar lang ang may tama dito hahah! Until Next Time!


Friday, January 10, 2014

Another Year @ Enchanted Kingdom

 Tuwing Birthday ko gusto ko talagang sa amusement park pumunta, basta may mga magic,
may mga games at scary rides gustong-gusto ko. Ilang years na kaming pumupunta dito kung 
maliit ang budget sa Star City kami.


Nung 2011 php500 pa lang ang entrance fee tapos ngayon php600 na at wala ng bracelet na nilalagay
sa wrist mo ngayon parang kapag wala kang bracelet ibig sabihin na naka ride all you can ka, kasi
napaka hustle pang tignan isa-isa ng mga staff yung mga taong sasakay sa mga rides.


Last Year lang ata tong bagong ride nila nakakahilo sya ah, pero mas nahilo kami
sa air balloon hahah, naka 2 rides kami rito! SISIW NA! ^^


Dito naman sa Rio Grande hindi kami nabasa kasi alam na namin yung teknik dito
para makaiwas ka sa mga along malalaki at sa mga waterfalls na madadaanan mo.
Kumpara nung pumunta kami rito mas malaki ang waves ngayon hahah! :)


Naka 2 rides silang dalawa dito sa space shuttle, sisiw na lang din ang ride nato kasi alam mo
na yung pakiramdam pagnakasakay ka na pero kahit ilang ulit na naming nasakyan to andun parin
yung kaba at excitement hehe.


Sa lahat ng rides na nasakyan ko ito yung pinakatatakutan ko ang Ferris Wheel or Wheel of Fate kasi
sobrang taas at open pa. Talagang hihinto ka sa tuktok at ang lakas ng hangin dito talagang
umuuga at take note iniikot pa nila ito kaya sobrang takot ko.
Pero kahit takot akong sumakay talaga namang sinakyan ko sya hahah!.
Syempre kung kaya ng iba, kaya ko rin!



Ayan basang-basa sila hahah! :)
Sa lahat ng ride sa EK ito lang ang hindi ko pa nasasakyan at ayokong sakyan
kasi na trauma ako sa Star City nung sumakay ako sa Wild River nila sabi sakin  na oks lang sumakay na wala lang! hindi sya nakakatakot pero nung nasa taas na kami
 at pababa as in nakaliyad ka lang at wala ka man lang belt or something na susuporta sayo
basta hahawak ka lang sa bakal. Nag bounce yung ulo ko at tumama sa ulo ng nasa harapan ko at
yun duguan ang nyuso ko hahah! Kaya ayokong sumakay kasi mas mataas itong
Jungle Log Jam kesa sa Wild River.





100 feet ang taas nitong EKstreme at ang sarap nyang sakyan!!! Promise!!!
Alam ko na ang pakiramdam kung paano mahulog sa building!!!
Habang pataas ng pataas paganda ng paganda ang view na nakikita ko at talagang nakadilat ako.
Pag nasa tuktok ka na mararamdaman mong hihinto ng ilang seconds at may maririnig kang bakal na
nagla- lock at yun na yung hudyat na ibababa ka na ng mabilis,
 mapapasigaw ng kang ilang segundo at sa gitna 
hindi ka na makakasigaw at yung pwet mo hindi na nakalapat sa upuan. Sobrang sarap sakyan to!!
Naka dalawang sakay na naman ang kasama ko dito, syempre ako, ako yung taga video sa kanila. ^^




Syempre pagkatapos ng mga rides eh diretyo agad sa Dampa para madagdagan yung
hilo na ginawa samin ng mga rides!!! Until Next Time! ^^