Tuwing Birthday ko gusto ko talagang sa amusement park pumunta, basta may mga magic,
may mga games at scary rides gustong-gusto ko. Ilang years na kaming pumupunta dito kung
maliit ang budget sa Star City kami.
Nung 2011 php500 pa lang ang entrance fee tapos ngayon php600 na at wala ng bracelet na nilalagay
sa wrist mo ngayon parang kapag wala kang bracelet ibig sabihin na naka ride all you can ka, kasi
napaka hustle pang tignan isa-isa ng mga staff yung mga taong sasakay sa mga rides.
Last Year lang ata tong bagong ride nila nakakahilo sya ah, pero mas nahilo kami sa air balloon hahah, naka 2 rides kami rito! SISIW NA! ^^ |
Dito naman sa Rio Grande hindi kami nabasa kasi alam na namin yung teknik dito
para makaiwas ka sa mga along malalaki at sa mga waterfalls na madadaanan mo.
Kumpara nung pumunta kami rito mas malaki ang waves ngayon hahah! :)
Naka 2 rides silang dalawa dito sa space shuttle, sisiw na lang din ang ride nato kasi alam mo
na yung pakiramdam pagnakasakay ka na pero kahit ilang ulit na naming nasakyan to andun parin
yung kaba at excitement hehe.
Sa lahat ng rides na nasakyan ko ito yung pinakatatakutan ko ang Ferris Wheel or Wheel of Fate kasi
sobrang taas at open pa. Talagang hihinto ka sa tuktok at ang lakas ng hangin dito talagang
umuuga at take note iniikot pa nila ito kaya sobrang takot ko.
Pero kahit takot akong sumakay talaga namang sinakyan ko sya hahah!.
Syempre kung kaya ng iba, kaya ko rin!
Ayan basang-basa sila hahah! :)
Sa lahat ng ride sa EK ito lang ang hindi ko pa nasasakyan at ayokong sakyan
kasi na trauma ako sa Star City nung sumakay ako sa Wild River nila sabi sakin na oks lang sumakay na wala lang! hindi sya nakakatakot pero nung nasa taas na kami
at pababa as in nakaliyad ka lang at wala ka man lang belt or something na susuporta sayo
basta hahawak ka lang sa bakal. Nag bounce yung ulo ko at tumama sa ulo ng nasa harapan ko at
yun duguan ang nyuso ko hahah! Kaya ayokong sumakay kasi mas mataas itong
Jungle Log Jam kesa sa Wild River.
100 feet ang taas nitong EKstreme at ang sarap nyang sakyan!!! Promise!!!
Alam ko na ang pakiramdam kung paano mahulog sa building!!!
Habang pataas ng pataas paganda ng paganda ang view na nakikita ko at talagang nakadilat ako.
Pag nasa tuktok ka na mararamdaman mong hihinto ng ilang seconds at may maririnig kang bakal na
nagla- lock at yun na yung hudyat na ibababa ka na ng mabilis,
mapapasigaw ng kang ilang segundo at sa gitna
hindi ka na makakasigaw at yung pwet mo hindi na nakalapat sa upuan. Sobrang sarap sakyan to!!
Naka dalawang sakay na naman ang kasama ko dito, syempre ako, ako yung taga video sa kanila. ^^
Syempre pagkatapos ng mga rides eh diretyo agad sa Dampa para madagdagan yung
hilo na ginawa samin ng mga rides!!! Until Next Time! ^^
No comments:
Post a Comment