Thursday, January 9, 2014

Baguio City

DAY 1

First time kong pumunnta sa Baguio at masasabi kong ang babait ng mga tao dito as in sobra.
Yung mga taxi driver mababait, kinakausap ang mga pasahero at tinatanong kung first time ba
sa Baguio at sabi naming Oo. Tapos kwento dito, kwento doon hanggang sa mapunta sa usapan
 na kapag pupunta kaming
palengke para bumili ng mga pasalubong tiyaking yung mga cellphone at pera naka secure kasi may
mga mandurukot doon at sa pagpunta namin doon eh mabuti at wala kaming na experience na ganun! :)))
Dalawang taga Baguio na ang nagsabi samin nun si Taxi Driver at si Manong na papasok sa
work na naglalakad na napagtanungan namin kung saan pasakay papuntang PMA.
Thank youu poo!!!

eh yung FAG na hinihintay namin ito yun oh|! :)

Center of attraction 

napapatawa na lang.

Sobrang natutuwa ako dito sa piktur nato kasi nagpakuha tong guy na to ng larawan
at pagkatapos eh pinag tripan sya ng mga kasama nya na iniwan sya sa gitna na
sumisigaw na balikan nyo ako ,paano ako dito!!! hahaha


@ the Burnham Park
@ the shrine











pwedeng magpa-piktur kay saint bernard for  only php10 per
person


tsk!!! nagpunta kaming christmas village at take note naka tsinelas lang ako at hindi yun allowed
kaya bumili yung mga kasama ko sa loob ng tsinelas made on gansilyo kaya pala ganun
kasi rubber yung tsinelas ko at yung artificial snow eh gawa sa sabon kaya pag nilabas na at
nasa sahig na at natapakan ng tsinelas made on rubber eh madulas.

bonfire

DAY 2 

Second day at last day na sa Baguio kaya maagang nagising at take note walang h.o kasi nga
malamig ang lugar.
Kumain muna at saka naglibot uli. 
Binilang namin tong stairs at 200+ someting ito or 300 di ko na matandaan kasi
sa sobrang hingal magbilang at natatawa pa kasi sa sobrang
excitement bilangin at nanggugulo pa sila Ate Regs.



Sabi nila na pag first time mo sa isang simbahan magdasal at manalangin ka at
pagkatapos ay mag wish ka at paniguradong matutupad.

another church @ the Baguio Cuty.


Sabi ng amang hari ko na kapag nagpunta kang Baguio kailangan na mapuntahan mo
ang PMA kapag hindi mo napuntahan yun parang hindi ka nakarating sa Baguio.
Tadaaa!!! Kaya hindi nawala sa list namin itong PMA :)


Sobrang takot ako sa heights kaya hanggang dyan lang ako, kapag
andyan ka mismo sobrang malulula ka kasi mataas at ang hangin malakas!

Ito yung mall sa Pilipinas na walang aircon!!!
Daig pa nga nito yung Trinoma at SM The Block sa lamig eh walang binatbat!
Nasabi ko sa sarili ko na kailangang makabalik ako dito kasi sobrang na enjoy ko yung
pagbisita ko sa lugar na'to at kulang ang dalawang araw para sa amin
may mga ibang lugar pa kaming hindi napupuntahan,
 UNTIL NEXT TIME! ^^

No comments:

Post a Comment