Monday, May 14, 2012

happy mother's day


ang aming pinaka mamahal na inang reyna ♥♥♥

linggo ng umaga, nakapag handa na kami ng kakainin. lahat ng mga kapatid ko binati ko na. tapos kahapon nag date kami ni mama, binilihan ko sya ng damit na gustong-gusto nya, bonding moment namin hahah :))) sayang walang pic kasi nakalimutan ko dalin camera ko. pero okey lang ang mahalaga magkasama kami ng aking inang reyna. tapos kumain kami sa shabu-shabu. natawa ako kasi sabi ni mama "hala may chopstick" kasi hindi sya marunong gumamit nun, niloko ko sabi ko wala silang kutsara at tinidor hahah... sabi ni mama "ako pinagloloko mo?" hahah sabi ko joke lang :)) ang saya-saya namin ni mama kahapon. gabi na nga kami nakauwi eh.

itong picture na'to December 2010 pa heheh
sa mga kapatid kong magaganda at mahal na mahal ako HAPPY MOTHER'S DAY SA INYO pati sa sister in law ko na si kim.
sa mga tita, kay tita haidee, kay lola at sa lahat ng nanay HAPPY MOTHER'S DAY PO :)))

No comments:

Post a Comment