Wednesday, May 16, 2012

Tetris

Tetris Battle
Brick Game

dati sa brick game lang nalalaro tong tetris pero ngayon meron na sa facebook.
sobrang nakaka-adik itong laruin, sa umpisa weak ka pa kasi kinakapa mo pa
kung paano laruin, habang tumatagal tumataas yung rank mo hanggang sa
gusto mong lalong tumaas yung rank mo.

ayaw paisturbo pag naglalaro ako nito kasi concentrate lang talaga kasi
konting mali mo lang na paglagay ng mga blocks patay! mali ang diskarte
k.o ka agad. 
tapos yung tipong nakagawa ka na ng tore biglang 
kaboom!!! anung nangyari???
susunod-sunurin ka ng k.o hahah

nakakaasar pa naman na ang taas-taas na ng rank mo biglang mamalasin ka na
sunod-sunod yung rank down mo. yung tipong hahampasin mo ng kamay mo yung
keyboard kasi  TALO KA!!!!

tapos yung tipong na bwi-bwisit ka kasi mag ta-time out ka na
ilang segundo na lang mananalo ka na tapos biglang YOUR TIME IS OUT
di ba nakakainis hahah!!!

yung tipong hindi mo na napapansin yung oras, ang tagal mo na palang nakababad sa computer.
na kahit mahapdi na mata mo hindi mo parin tinitigilan.
 
yung tipong magigising na lang magulang mo para pagsabihan ka na
ANUNG ORAS NA??? HINDI KA PARIN MATIGILAN DYAN SA PAG CO-COMPUTER MO!!!
PUNYETA PATAYIN MO NA YAN, ANG TAAS-TAAS NA NG KURYENTE!!!
hahah nakakatawa di ba? kasi ayaw mo talaga paawat.

yung tipong pangalawang beses na lumabas magulang mo at sasabihin mong
OPO PAPATAYIN KO NA SANDALI NA LANG TO'
yung mga tipong ganun :))) \
tapos pag gising mo yan na naman ang aatupagin hihih !!!
makapag laro na nga ng Tetris.


No comments:

Post a Comment