Saturday, July 18, 2009

Heaven in Tears

sobrang ramdam ko yung sakit ng nararamdaman ng isang sa pinahahalagahan kong kaibigan kasi hindi nya nakakasama mama nya kasi nasa ibang bansa. yung iyak nya na may hikbi, alam kong miss na miss nya na mama nya as in sobra.


yung sobrang pag iyak nya, kino-comfort nga namin ni hazel. binibiro nga nya eh para kahit sa isang iglap makalimutan nya yung lungkot. dalawang beses ko syang nakitang umiyak ng ganyan na may hikbi. thankful sya kasi meron syang mga kaibigan na tulad namin kasi tini-treasure namin sya talaga. nasasaktan din akong nakikita syang ganyan kung pwede nga lang na akuin eh pero hindi pwede, panyo lang ang kaya kong ibigay sa kanya at mga payo.

kahit papaano napapatawa sya ng tita nya ^___^
alam ko naman na naiintindihan nya na kaya ganun na malayo mama nya kasi para rin sa kanila yung ginagawa ng mama nya para masustentuhan yung mga pangangailangan nilang magkapatid....
wish ko lang para sa kanya na umuwi na mama nila for good para sama-sama na sila at hindi malulungkot yung precious friend ko ^^.

No comments:

Post a Comment